Ako si Bulilit, isang manunulat na Pinay. Ako'y hindi henyo kaya wag kayong mag asam ng napakagara at nakamamanghang mga likha galing sa akin. Ako'y simpleng tao lamang na dinadaan sa pagsulat ang aking nararamdaman, pananaw sa buhay at maging aking mga saloobin sa bagay bagay na nangyayari sa paligid ko.
Ang blog na ito ay maglalaan ng aking buhay at aking mga saloobin. Hindi ko hinangad na ito'y magugustuhan niyo o di kaya ay puriin. Ginawa ko ito hindi dahil babasahin niyo ito kundi ginawa ko ito sapagkat gusto kong malaman kung ako pa ba ay marunong magsulat gamit ang aking sariling wika.
Sapagkat ako'y tao lamang, ipagpaumanhin ninyo kung magkamali ako. Sana wag niyo agad akong husgahan. Tao lang naman ako katulod niyo, diba? Kaya, mag unawaan nalang tayo, ha?
Nawa ay malibang kayo sa kababasa ng blog na ito. Kung talaga ngang nalibang ka, wag ka ng mahiyang maglagay ng kumento sa mga istorya kong kathang isip lamang. O di kaya'y sundan mo nalang kaya ang blog ko? Pwede ring idagdag mo ako sa listahan ng mga blogs na binabasa mo. Pangako, ako ay hindi mgagalit. Ikatutuwa ko pa yan, peksman! Kung ika'y tinamaan naman ng kasipagan, maaari mo rin akong padalhan ng sulat sa emeyl ko: joanmarie.salahid@gmail.com
Tara na, sabay tayong humalakhak ng napakalakas, mainis, at umiyak sa buhay na puno ng pag-asa!
No comments:
Post a Comment